Tulong sa LibreOffice 24.8
Maaari mong i-format ang mga cell ng pivot table gamit ang mga partikular na istilo ng cell.
Nawawala ang direktang pag-format ng mga cell ng pivot table kapag ina-update o ine-edit ang talahanayan.
Kapag gumagawa ng pivot table, anim na bagong istilo ng cell ang idinaragdag sa iyong dokumento. I-format ang bawat istilo ng cell kung kinakailangan. Ang pagpapasadya ng mga istilo ng pivot cell ay papanatilihin kapag ina-update ang pivot table.
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga istilo ng cell para sa pag-format ng pivot table, ang lahat ng mga pivot table na mga cell sa dokumento ng spreadsheet ay magkakaroon ng parehong hitsura. Sa madaling salita, nalalapat ang mga istilo ng cell ng pivot table sa lahat ng pivot table ng dokumento.
Ang anim na istilo ng cell ay:
Mga Kategorya ng Pivot Table
Pivot Table Corner
Field ng Pivot Table
Resulta ng Pivot Table
Halaga ng Pivot Table
Pamagat ng Pivot Table
Ang format ng numero ng mga istilo ng cell na ito ay hindi mababago sa mismong istilo ng cell; dapat mong i-format ito sa data source.