Pagkalkula sa Spreadsheets

Ang sumusunod ay isang halimbawa ng pagkalkula sa LibreOffice Calc.

  1. Mag-click sa isang cell, at mag-type ng numero

  2. Pindutin ang Enter.

    Ang cursor ay gumagalaw pababa sa susunod na cell.

  3. Maglagay ng ibang numero.

  4. Pindutin ang Tab key.

    Ang cursor ay gumagalaw sa kanan papunta sa susunod na cell.

  5. Mag-type ng formula, halimbawa, =A3 * A4 / 100.

  6. Pindutin ang Enter.

    Ang resulta ng formula ay lilitaw sa cell. Kung gusto mo, maaari mong i-edit ang formula sa input line ng Formula bar.

    Kapag nag-edit ka ng formula, awtomatikong kinakalkula ang bagong resulta.

Mangyaring suportahan kami!