Tulong sa LibreOffice 24.8
Magbalik ng numeric na halaga na kinakalkula ng kumbinasyon ng tatlong kulay (pula, berde at asul) at ang alpha channel, sa sistema ng kulay ng RGBA. Ang resulta ay depende sa sistema ng kulay na ginagamit ng iyong computer.
KULAY(Pula; Berde; Asul [; Alpha])
Pula, Berde at Asul – kinakailangang mga argumento. Ang halaga para sa pula, berde at asul na bahagi ng kulay. Ang mga halaga ay dapat nasa pagitan ng 0 at 255. Ang ibig sabihin ng zero ay walang bahagi ng kulay at ang 255 ay nangangahulugan ng buong bahagi ng kulay.
Alpha – opsyonal na argumento. Ang halaga para sa alpha channel o alpha composite. Ang Alpha ay isang integer na halaga sa pagitan ng 0 at 255. Ang halaga ng zero para sa alpha ay nangangahulugan na ang kulay ay ganap na transparent, samantalang ang isang halaga ng 255 sa alpha channel ay nagbibigay ng ganap na opaque na kulay.
KULAY(255;255;255;1) nagbabalik 33554431
KULAY(0;0;255;0) nagbabalik ng 255
KULAY(0;0;255;255) nagbabalik 4278190335
KULAY(0;0;400;0) nagbabalik ng Err:502 (Invalid na argumento) dahil ang asul na halaga ay mas malaki sa 255.
ORG.LIBREOFFICE.COLOR